LOOK: Mga pari at mga residente nagpahayag ng pagtutol sa quarrying sa Rodriguez Rizal
Nagpahayag ng pagtutol ang mga pari at mga residente sa Rodriquez Rizal sa pagpapatuloy ng quarrying sa kabundukan sa nasabing bayan.
Isang misa ang idinaos sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish na sinundan ng protesta sa harap ng munisipyo ng Rodriguez.
Pawang nakasuot ng kulay pulang damit ang mga residenteng lumahok sa protesta at nanawagan sa lokal na pamahalaan na ipatigil na ang quarrying sa bundok ng Montalban.
Nakasaad sa mga bitbit nilang streamers ang mga pahayag na “Save Mt. Parawagan Montalban”, “Not to Quarry”, “Stop Mining Stop Quarrying”.
Ang mga pari na kasama sa protesta sa pangunguna ng kura paroko ng San Rafael Arkanghel na si Rev. Fr. Noeh Elnar.
Nakipagdayalogo din ang mga pari kay Rodriguez Mayor Elyong Hernandez para iparating ang kanilang hinaing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.