P2M halaga ng shabu nasabat sa Batangas

By Jong Manlapaz May 21, 2018 - 08:44 AM

Photo from CALABARZON POLICE

Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang lalaki sa Lipa City, Batangas, Lunes ng umaga.

Ayon kay Calabarzon Police Regional Office Director Guillermo Eleazar, sinilbihan ng search warrant ang suspek na si Marcial Orbigoso para sa kasong illegal possession of firearms.

Pero nang halughugin ang kaniyang bahay sa Purok 6, Barangay Pangao, ay doon nakita ang tinatayang 300 gramo ng shabu.

Maliban sa 300 gramo ng shabu ay may mga nakuha pang timbangan, 2 rolyo ng aluminum foil at bundle ng mga plastic sachet na posibleng pinaglalagyan ng tara-tarang shabu.

Nakumpiska din kay Orbigoso ang isang kalibre 45 na baril na mayroong 1 magazine at 7 bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Batangas, Illegal Drugs, lipa city, Radyo Inquirer, Batangas, Illegal Drugs, lipa city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.