Ekonomiya ng Alegria, Cebu sisirit dahil sa nadiskubreng oil reserves
Ngayon pa lamang pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Alegria, Cebu na planuhin ng maayos ang lugar dahil sa inaasahang pagsirit ng ekonomiya bunsod ng nadiskubreng oil reserves.
Ayon sa pangulo, tiyak na dudumugin ng mga mamumuhunan ang alegria maging ng ordinaryong manggagawa dahil sa lilikhaing hanapbuhay.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos pangunahan ang opening ceremony ng Alegria Oilfield Polyard 3 well site.
Naniniwala ang pangulo na ang munisipalidad ng Alegria ay maaaring maging pinaka mayamang munisipalidad sa Cebu sa susunod na lima hanggang sampung taon dahil sa angking yaman nito sa langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.