Red Monday Unity ikinasa ngayong araw ng mga empleyado ng Korte Suprema

Mahigit isang linggo matapos ang makasaysayang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto, muling papupulahin ng mga empleyado ng Korte Suprema ang compound ng Kataas taasang Hukuman.

Ngayong Lunes, nagkasa ang Supreme Court Employees Association (SCEA) ng Red Monday Unity.

Inaasahang sa flag raising ceremony sa Korte Suprema ay magbibigay ng pahayag ang mga asosasyon para sa pagkilala sa desisyon ng Supreme Court En Banc.

Sa isang statement, nilinaw ng SCEA na ito ay hindi protesta kundi pagpapakita ng pagkakaisa.

Ito ay bilang suporta, hindi lamang umano para sa walong mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban kay Sereno, kundi maging sa anim na iba pang mahistrado na naghayag ng pagtutol.

Giit ng SCEA, nauunawaan nila na ang nangyaring resulta ng botohan sa Supreme Court Special En Banc Session ay bahagi ng demokratikong proseso ng Korte Suprema bilang isang institusyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...