Ayon sa weather bureau, easterlies pa rin ang umiiral sa bansa na magdudulot ng maalinsangan at mainit na panahon maliban sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang magiging pinakamainit ngayong araw sa Tuguegarao city sa 38 degrees Celsius habang 34 degrees Celsius naman ang sa Metro Manila.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City pa rin sa 38.5 degrees Celsius.
Naitala ang pinakamataas na heat index sa Casiguran, Aurora sa 46.7 degrees Celsius na sinundan ng Sangley Point sa Cavite at Surigao City sa 46.4 at 46 degrees Celsius.