Pimentel sa pagpapalit ng liderato sa Senado: “No issue at all with me”
Walang nakikitang isyu si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa nakatakdang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Inaasahang ngayong araw papalit sa kanya si Majority Leader Sen. Tito Sotto matapos lumagda ang 15 senador sa isang resolusyon na iniluluklok si Sotto sa pwesto.
Sa mensahe ni Pimentel sa mga reporters sinabi nito na wala siyang sama ng loob at lagi siyang bukas sa anumang pagbabago.
“No issue at all with me. Change will happen with my happy blessings. Change is coming soon,” ani Pimentel.
Anya pa, magiging bukas siya sa kahit anong committee assignment na ibibigay sa kanya ng bagong Senate President lalo pa’t namiss niya umano ang committee work sa loob ng panunungkulan bilang pangulo ng Mataas na Kapulungan.
Iginiit ni Pimentel na isa siyang ‘flexible person’ at masaya niyang tatanggapin ang anumang assignment mula sa mayorya o sa bagong Senate President.
“I am a flexible person. Whatever the majority gives me or the new Senate president assigns to me I will gladly accept,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.