Lalaki patay sa pamamaril sa Navotas City

By Justinne Punsalang May 21, 2018 - 01:37 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Tangos, Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Edson Gubrian, 38 taong gulang at isang traffic enforcer ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi pa natatapos ang duty ni Gubrian nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek.

Kwento umano ng mga kasamahan nito sa trabaho, nagpahinga saglit si Gubrian at uminom nang kape nang biglang may dumaang mga lalaking sakay ng motorsiklo at doon na ito pinagbabaril.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril. Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.