Jake Zyrus magdiriwang ng kaarawan sa pamamagitan ng concert

By Justinne Punsalang May 21, 2018 - 12:16 AM

Jake Zyrus Instagram

Hindi na big deal para kay Jake Zyrus ang laki ng pagdarausan niya ng kanyang concert.

Ito ang naging pahayag ng singer sa isa press conference matapos niyang ihayag na magkakaroon siya ng concert para sa kanyang ika-26 na kaarawan at ika-10 taon sa industriya.

Para kay Jake, mas gusto niya sa ngayon na sa isang ‘realistic’ na laki ng venue na lamang magtanghal. Aniya, mas kinakabahan siya kapag nagtatanghal sa malalaking entablado.

Dagdag pa ng singer, gusto niyang mas malapit sa kanya ang kanyang mga manonood at taga-hanga kapag siya ay nagtanghal para makita niya ang kanilang mga reaksyon.

Ayon pa kay Jake, magsisilbing regalo niya para sa kanyang mga tagasuporta ang concert kaya naman gusto niyang mapalapit sa mga ito.

Magaganap sa May 25 ang “Music & Me” concert ni Jake na itatanghal sa SM Skydome.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.