Namamatay dahil sa ebola sa Congo, tumaas na sa 26
Pumalo na sa 26 na tao ang namatay sa Congo dahil sa sakit na ebola.
Ayon sa Congo health ministry, 46 na kaso ng hemorrhagic fever ang naitala sa bansa, kabilang ang 21 kumpirmadong kaso ng ebola. 21 rin ang bilang ng posibleng may sakit na ebola, at 4 ang pinagsususetsahan na nagkaroon ng kaparehong sakit.
Dahil dito ay napagkasunduan ni Congo President Joseph Kabila at kanyang gabinete na taasan ang nakalaang pondo para sa ebola emergency response. Sa kasalukuyan, $4 milyon ang nakalaan para dito.
Ipinanukala rin ng gabinete na magbigay ng libreng tulong para sa mga apektadong lugar ng outbreak. Bukod pa ito sa pagbibigay ng special care para sa lahat ng mayroong ebola at kanilang mga kaanak.
Hindi pa nagdedeklara ang World Health Organization (WHO) na isang global health emergency ang outbreak ng ebola sa Congo ngunit tinawag na ‘very high’ o napakataas ng tsansa ng pagkalat ng sakit. Binaalan na rin ng WHO ang 9 na karatig-bansa ng Congo dahil mataas rin ang tsansa ng pag-abot dito ng sakit na ebola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.