Creamline tinalo ang Pocari Sweat-Air Force sa PVL

Wagi ang Creamline Cool Smashers kontra Pocari Sweat-Air Force Lady Warriors sa kanilang naging tapatan para sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum.

Natapos ang tapatan sa iskor na 25-15, 27-25, 17-25, at 25-19.

Dahil dito, umangat sa 3-1 ang win-loss record ng Cool Smashers at nasa unang pwesto kasama ang koponan ng PayMaya. Samantalang 1-2 ngayon ang win-loss record ng Lady Warriors.

Nagtala ng pinakamaraming puntos sina Alyssa Valdez at Kuttika Kaewpin matapos magbigay ng tig-16 na puntos para sa Creamline.

Samantalang naitala ni Arielle Love ang game-high score na 29 points para sa Pocari Sweat-Air Forces.

Read more...