8 sugatan sa aksidente sa Kennon Road

By Justinne Punsalang May 21, 2018 - 12:00 AM

Sugatan ang walo katao, kabilang ang driver matapos bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang concrete barrier sa bahagi ng Tuba-Benguet ng Kennon Road.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, binabagtas ng van ang Kennon Road nang bumagsak ang mga malalaking tipak ng bato mula sa bundok.

Dahilan ito upang mawalan ng kontrol ang driver at may-ari ng van na si Aldaine Reyes Suares sa sasakyan at bumangga sa concrete barrier.

Malala ang tinamong injury ng mga sakay ng van na agad na isinugod sa Baguio General Hospital upang lapatan ng lunas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.