5 bahay tinupok ng apoy sa Malabon City

Fire Alert Metro Manila Photo

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Tinajeros, Malabon City.

Bago mag alas-9 ng gabi nang sumiklab ang sunog. Bandang alas-9:40 nang ito ay ideklarang under control, at alas-10:17 nang tuluyang maapula ang pagliliyab.

Dahil sa naturang sunog ay natupok ang limang mga bahay.

Sinasabing nakasaksak at nag-overheat na electric fan ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Ngunit ayon sa mga otoridad, patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang tunay na dahilan ng sunog, maging ang kabuuang pinsala na idinulot nito.

Read more...