Madagdagan ang listahan ng mga santo ng Simbahang Katolika.
Ito ay matapos ianunsyo ng Vatican na sasailalim na sa ‘canonization’ si Blessed Pope Paul VI kasabay ni Blessed Oscar Romero at apat na iba pa sa October 14, 2018.
Tulad nang inaasahan, ang canonization ay isasabay sa 2018 Synod of Bishops na magaganap sa Oktuber 23 hanggang 28 kung saan tatalakayin ang kabataan, pananampalataya at vocational discernment.
Matatandaang noong Pebrero ay ipinahayag ni Pope Francis na posibleng gawing santo na si Paul VI ngayong taon.
Para maging santo ay kinakailangang magkaroon ng mga himala na maiuugnay sa panalangin ng mga banal.
Isa sa mga himala na iniuugnay sa dating Santo Papa ay ang paggaling ng isang hindi pa naisisilang na sanggol.
Si Paul VI ang unang Santo Papa na bumisita sa Pilipinas at una ring Santo Papa na nakapagmisa sa Manila Cathedral of the Immaculate Conception noong November 27, 1970.