FDA pinag-iingat ang publiko sa hindi rehistradong katol

By Rhommel Balasbas May 21, 2018 - 03:00 AM

Pinag-iingat ang Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga mosquito coil o katol na hindi nakarehistro sa ahensya.

Partikular na tinukoy ang Wawang High Quality Mosquito Coil pesticide na hindi rehistrado sa FDA at posibleng mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon sa pinuno ng FDA Regulatory Enforcement Unit (REU) na si Retired Police Gen. Allen Bantolo, ipinagbawal na ang pagbebenta ng naturang produkto sa ilalim ng FDA Order No. 2017-034 na inilabas ni FDA Director General Nela Charade G. Puno noon pang July 11, 2017.

Gayunman ayon kay Bantolo, napag-alamang patuloy ang bentahan ng nasabing katol sa ilang mga urban areas tulad ng Baseco Compound kung saan walong tindahan ang nakitaang nagbebenta nito.

Iginiit ng opisyal ang posibleng epekto sa kalusugan ng mga consumers na gumagamit ng mga substandard o posibleng hinaluang mga pesticide tulad ng skin irritation, respiratory disorders, brain damage at iba pa.

Hinimok ng FDA ang publiko na bumili lamang ng mga produkto sa mga lehitimong tindahan at tiyaking ang mga ito ay aprubado ng ahensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.