Binalaan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gumagamit ng kanyang pangalan para sa kanilang sariling interes.
Sa pagbisita ng pangulo sa Tabogon, Cebu para sa pagdiriwang ng kanilang pista ay sinabi ng pangulo na dapat ikonsiderang denied na ang lahat ng transaksyon sa gobyerno ng mga gumagamit sa pangalan ng kanyang kapatid, anak, asawa o iba pang kamaganak.
Sa talumpati ng pangulo sa fiesta sa Tabogon sa Cebu ay hindi naman direktang tinukoy ng pangulo ang nakababatang kapatid na si Emmanuel Duterte na nadadawit ngayon sa kontrobersiya dahil sa umano’y pag-aaply o ipinaaprubahang proyekto sa gobyerno na cryptocurrency exchange platform.
Nabatid na nagsimula umanong mag-operate ang Japan Philippines Global Coin Platform noong Enero.
Mahigpit ang tugon ng pangulo na huwag tanggapin ang anumang proyekto gamit ang pangalan ng kanyang mga kamag-anak.