Bagyong Lando tatama sa kalupaan ng Isabela o Cagayan sa weekend

LANDO OCT 15 630Nakatakdang tumama sa kalupaan ng Isabela o Cagayan ang bagyong Lando sa Sabado o sa Linggo.

Ayon kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar ang bagyong Lando ay huling namataan sa layong 1,185 kilometers east ng Baler Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 85 kilometers kada oras. Pa-kanluran pa rin ang direksyon nito sa bilis na 22 kilometer kada oras.

Ayon kay Escullar ang lalawigan ng Isabela ang kasalukuyang tinutumbok ng bagyong Lando.

Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa pero habang tinatahak nito ang Northern Luzon sa susunod na mga araw ay magiging maulan sa Luzon.

Read more...