Ramon Bautista at Luis Manzano sinuportahan ang isang bisexual netizen
Bumuhos ang suporta ng mga netizen sa isang lalaki na nagpakilalang bisexual matapos nitong ibahagi sa social media na hindi siya tinanggap sa trabaho dahil sa kanyang sexual orientation.
Kabilang sa nagpahatid ng suporta sina Luis Manzano at Ramon Bautista.
Kwento ng ni King Carl Montante sa kanyang personal Twitter account, nag-apply siya sa isang hotel sa Pasay ngunit nang makausap niya ang human resources ng kumpanya at sinabi nito na bisexual siya, ay sinabi ng HR na hindi sila tumatanggap ng bisexual.
Pagtataka ni Montante, ano ang kinalaman ng pagiging bisexual niya sa trabahong kanyang pinag-apply-an.
Sa Tweet ni Ramon Bautista kay Montante ay sinabi nito na dapat ay binigyan ng HR ng pagkakatao si Montante upang ipakita ang kanyang galing, sipag, at dedikasyon sa trabaho.
Samantalang tinutulan naman ni Luis Manzano ang naganap na diskriminasyon kay Montante. Paninigurado ni Luis, makakahanap ng mas maayos na pagtatrabahuhan si Montante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.