Pagsibak sa pinuno ng OGCC, pinag-aaaralan ni Pang. Duterte
Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto ang pinuno ng Office of the Government Corporate Counsel.
Sa talumpati ng pangulo sa pagbubukas ng oil and gas production ng Alegria Oilfield Plyard 3 well site sa Cebu, sinabi nito na ito ay dahil pa rin sa isyu ng korupsyon.
Gayunman, hindi direktang tinukoy ng pangulo ang pangalan ng corporate counsel na kanyang sisibakin bukas.
Nabatid na itinalaga ni Duterte si Rudolf Philip Jurado bilang government corporate counsel noong Abril ng nakaraang taon.
Maliban dito, sinabi ng pangulo na isa pa niyang ka-brod sa Lex Talliones Fraternity ng San Beda ang kanyang pinagbibitiw na rin sa puwesto.
Ayon sa pangulo, hindi siya mag-aatubili na sibakin sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa korupsyon kahit pa malapit niyang kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.