P50M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Quezon City
Arestado ang limang Chinese Nationals matapos makumpiska sa kanila ang tinatayang aabot sa 10 kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.
Tinatayang nasa limampung milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang shabu.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Joel Pagdilao, nagpanggap na buyer ang ilang tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operations
Task Force at kunyari ay bibili ng dalawang kilo ng shabu mula sa suspek.
Bitbit ng mga tauhan ng AID-SOTF ang apat na milyong pisong halaga ng mark money.
Matapos maiabot ang pera agad inaresto ang limang suspek na pawang mga Chinese looking. Nakilala ang apat sa mga ito na sina Xu Changcheng, Jimmy Co, Alexander Go, at Xiong Bun Sy batay sa mga ID na nakuha sa kanila. Wala namang naipakitang ID ang isa sa mga suspek.
Ayon kay Pagdilao, matapos ang inventory ay agad dadalhin sa crime laboratory ng Philippine National Police headquarters ang mga nasabat na shabu.
Tumangging sumagot sa katanungan ang mga suspek na nauna nang nagpasabi sa mga pulis na hindi sila marunong magsalita ng ingles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.