Imus local gov’t, nagpatulad ng alternatibong ruta para bigyang-daan ang clearing ops sa bumagsak na flyover

By Isa Avendaño-Umali May 20, 2018 - 11:49 AM

Barado pa rin ang Aguinaldo Highway corner Daang Hari, Imus, Cavite, bunga pa rin ng patuloy ng clearing operations sa bumagsak na bahagi ng itinatayong flyover sa lugar.

Sa abiso ni Mayor Emmanuel Maliksi, upang hindi maabala ay pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ang mga light vehicle o maliliit na sasakyan ay maaring dumaan sa:

– Anabu Road (Anabu Kostal Road at Pasong Santol Road)
– Malagasang Road (Anabu Kostal Road at Golden City Road)

Ang mga truck at mga bus ay pwedeng dumaan na lamang sa Salitran Road patungong Molino-Paliparan Road at Molino Boulevard at vice versa.

Nauna nang sinabi ni Maliksi, bumagsak ang gitnang bahagi ng ginagawang flyover habang ikinakabit sa mga pundasyon o poste ang gitnang bahagi nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pakikipagtulungan ng Imus PNP, Imus Traffic Management Office, City Disaster Risk Managament Office at DPWH.

TAGS: clearing operations, flyover, Imus local government, clearing operations, flyover, Imus local government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.