Clearing ops sa bumagsak na flyover sa Cavite, tuloy pa rin

By Isa Avendaño-Umali May 20, 2018 - 09:30 AM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Tuluy-tuloy ang clearing operations sa bumagsak na bahagi ng itinatayong flyover sa Aguinaldo Highway corner Daang Hari, Imus, Cavite.

Pinagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Cavite, DPWH at contractor na JBL Builders ang clearing operations sa flyover, na bumigay kagabi.

Sa kasalukuyan, may jack hammer na dumudurog sa semento, habang tinutunaw o pinuputol ang mga bakal upang madaling hawiin.

Ang isang truck ng JBL builders na nabagsakan ng flyover ay hindi pa nahihila.

Sa kabutihang palad ay walang casualties sa pagbagsak ng parte ng flyover, taliwas sa kumalat sa social media na may nasawi.

Batay sa Imus Mayor Emmanuel Maliksi, nagkaroon ng miscalculation sa mga girder na ikinakabit sa flyover.

Namali ang pagkabit sa ika-anim na girder, kaya naman tinaman ang limang nakakabit na at nagkaroon ng domino effect na nagresulta ng pagbagsak ng flyover.

Sa ngayon, walang sasakyan ang nakakadaan sa lugar, maliban sa mga truck, jack hammer at iba pang tutulong sa clearing operations.

Batay sa mga tauhan ng DPWH, maaaring umabot hanggang hapon o gabi ang clearing operations, dahil minamadali na upang makadaan na ang mga motorista.

TAGS: cavite, flyover, cavite, flyover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.