Panahon sa buong bansa ngayong araw magiging maalinsangan – PAGASA

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 05:44 AM

Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon sa weather bureau, tanging easterlies lamang ang nakakaapekto sa bansa sa ngayon.

Bunsod nito, inaasahang patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang buong bansa.

Posible naman ang biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Inaasahang aabot sa 38 degrees Celsius ang temperatura sa Tuguegarao City habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.