Sitwasyon ng mga Filipino sa Hawaii, binabantayan ng DFA

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 05:41 AM

US Geological Survey | AP

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon ng mga Filipino sa Hawaii.

Bunsod ito ng patuloy na pagputok ng Mt. Kilauea na sinasabing magkakaroon pa ng mas malalang mga pagsabog.

Ayon sa DFA, minomonitor ang Filipino Community sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Honolulu.

Ayon kay Consul General Joselito Jimeno, walang Pinoy ang napaulat na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Nasa humigit-kumulang 15,000 Filipino ang naninirahan sa Hawaiii kung saan 500 ay nasa hilagang bahagi ng apektadong lugar.

Sinabi ni Jimeno na tiniyak sa kanya ni Hawaii Governor David Ige ang kahandaan ng Hawaii National Guard na ilikas ang mga Filipino na posibleng maapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Naglabas ng red alert ang US Geological Survey noong Martes sa posibleng nakaambang malalang pagsabog ng Kilauea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.