Pangulong Aquino sasamahan sina Mar at Leni sa paghahain ng kandidatura

12081486_914399485293277_1168023155_nNamutiktik sa dilaw na mga laso ang Plaza Roma sa tapat ng Manila Cathedral.

Ito ay kasabay ng gagawing paghahain ng certificate of candidacy ngayong umaga ng tambalang Mar Roxas at Leni Robredo.

Ang dalawa ay dadalo muna sa isang misa sa Manila Cathedral bago ang COC filing.

Maaga din sa Intramuros ang mga nakadilaw na supporters ni Mar Roxas galing Tondo Maynila.

Nakasulat sa kanilang mga t-shirts ang “Yes to Mar” at may sumbrero na may stcker na may nakasulat na “Roxas Na”.

Darating sa Intramuros si Pangulong Aquino para ipakita ang suporta sa pampabato ng partido liberal.
Dahil dito, maaga pa lamang ay nag-inspeksyon na ang mga tauhan ng PSG sa Manila Cathedral at palibot ng Comelec.

Maliban sa tambalang Ro-Ro, inaasahan ding maghahain ng COC ang tambalang Poe-Chiz mamayang hapon.

Read more...