(updated) Maagang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) Miyerkules ng umaga.
Kanina bago mag alas 6:00 ng umaga, ang biyahe ng MRT ay mula North Avenue hanggang Shaw Blvd. Station lamang at pabalik.
Walang biyahe mula Shaw Blvd. hanggang Taft Avenue Station. Dahil dito, ang mga pasahero na patungong Makati at Taft Area ay nag-bus na lamang pagdating sa bahagi ng Shaw Blvd.
Marami ring pasahero ang maagang uminit ang ulo dahil kinailangan nilang mag-bus at tiisin ang traffic sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa pamunuan ng MRT, may nakitang problema sa riles sa pagitan ng Shaw Blvd. station at ng Boni Station.
Samantala, ayon traffic control room ng MRT, 6:45 ng umaga, naibalik sa full operation ang biyahe ng MRT.
Inayos umano ang sirang nakita sa riles sa bahagi ng Shaw at Boni Station bago tuluyang ibalik sa normal ang biyahe./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.