Bahagi ng ginagawang flyover sa Imus, Cavite bumagsak

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 03:11 AM

Photo courtesy of Mayor Emmanuel Maliksi

Bumagsak ang bahagi ng ginagawang flyover sa panulukan ng Aguinaldo Highway at Daang Hari sa Imus, Cavite.

Sa impormasyong ibinahagi ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi, sinabi nito na ayon sa contractor ng proyekto ay ang gitnang bahagi ng flyover ang bumagsak habang ikinakabit sa mga pundasyon o poste.

Wala pa naman anyang naitatalang nasaktan sa insidente.

Dahil dito ay agad na nagpalabas ng traffic advisory ang alkalde na hindi madadaanan ang lahat na bahagi ng Aguinaldo Highway Corner Daang Hari.

Samantala, tiniyak naman ni Maliksi na nagtutulungan na ang buong pwersa ng Imus City Engineering Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City of Imus Traffic Management Office at ang contractor ng flyover sa clearing operations ng gumuhong bahagi.

Humingi ng pang-unawa ang alkalde sa mga motorista.

Samantala, isinasagawa na umano ang imbestigasyon sa insidente sa pangunguna ni Maliksi at pagtutulungan ng concerned agencies.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.