AFP, ipagtatanggol ang bansa sa lahat ng banta – Arevalo

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 03:09 AM

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito kaliligtaan ang mandatong ipagtanggol ang bansa sa kahit anumang banta.

Ayon kay AFP Spokesperson Edgard Arevalo, patuloy na gagampanan ng Sandatahang Lakas ang trabahong protektahan ang integridad ng bansa.

Anya, patuloy ang isinasagawang maritime at aerial patrols para bantayan ang mga teritoryo ng Pilipinas.

Patuloy din ang isinagasawang trilateral patrols ng AFP kasama ang mga kapitbahay na bansa tulad ng Indonesia at Malaysia.

Iginiit din ni Arevalo na mayroon pang ibang ginagawang mga aktibidad ang AFP na hindi naman pwedeng ianunsyo sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.