Pilipinas, nagpaabot ng pakikiramay sa panibagong shooting incident sa eskwelahan sa Texas

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 03:01 AM

Nagpaabot ng simpatya at pakikiramay ang Pilipinas sa malagim na mass school shooting sa Texas kahapon na ikinasawi ng hindi lalampas sa sampung katao.

Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakikiisa ang bansa sa pagdadalamhati sa mga naulila ng mga nasawi sa madugong trahedya sa Santa Fe, Texas.

“We join the American people in grieving over the loss of so many young innocent lives in the school tragedy in Sante Fe, Texas,” ani Cayetano.

Tiniyak ni Cayetano na kasalukuyang nasa official visit sa Honolulu ang panalangin para sa pamilya at sa mga biktima.

Agad na nakipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Filipino Community sa lugar upang alamin kung may nadamay sa halos 2,000 Filipino naninirahan sa lugar.

Ayon kay Consul General Cruz, walang pinoy na nasaktan sa insidente.

Samantala, nahaharap sa capital murder ang suspek sa mass shooting na kinilalang si Dimitrios Pagourtzis, 17 anyos at isa ring estudyante.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.