Prince Harry at Meghan Markle, ikinasal na
Tinunghayan ng buong mundo ang pag-iisang dibdib nina Prince Harry at Meghan Markle.
Naganap ang makasaysayang royal wedding kahapon sa St. George’s Chapel sa Windsor, England.
Mismong si Prince Charles, am ani Harry ang naghatid kay Meghan sa altar kasama ang 10 batang pageboys na kinabibilangan ng apat na taong gulang na si Prince George at tatlong taong gulang na si Princess Charlotte.
Ang dalawa ay anak ng best man ni Harry na si Prince William at Kate, ang Duke at Duchess ng Cambdrige.
Sa altar, emosyonal ngunit masayang sinabi ni Harry kay Meghan ang pariralang ‘You look amazing.’
Pinangunahan ng Archbishop of Canterbury na si Justin Welby ang seremonyas ng pag-iisang dibdib habang nagbigay naman ng kanyang sermon tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig. si U.S. Episcopalian Bishop Michael Curry.
Matapos ang seremonya ay nasilayan ng publiko ang ‘first kiss’ ng dalawang bagong kasal bago tumungo sa lunchtime reception na pinangunahan ni Queen Elizabeth sa St. George’s Hall.
Ayon sa Royal Borough of Windsor and Maidenhead, tinatayang higit sa 100,000 katao ang pumila sa mga lansangan upang masilayan ang wedding procession ng newlyweds sa Windsor.
Sa ngayon ay opisyal nang kinikilala si Prince Harry at Meghan Markle bilang Duke and Duchess of Sussex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.