Dating barangay chairman, arestado dahil sa iligal na droga sa Tarlac

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 02:55 AM

Arestado sa isinagawang raid laban sa iligal na droga ang isang dating barangay chairman sa Tarlac City.

Nakilala ang suspek na si Edison Diaz, 41 anyos na dating kapitan ng Barangay Lourdes.

Nasa listahan umano ng High Value Target (HVT) si Diaz ayon kay Tarlac Provincial Director Sr. Supt. Ritchie Posadas.

Ayon kay Posadas, inaresto si Diaz ng mga operatiba ng City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 64 ng Tarlac City.

Nasamsam sa suspek ang isang medium size na kahon ng tsokolate na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pirasong medium sized na transparent plastic na naglalaman ng shabu at dalawang maliliit ng saches ng shabu.

Hindi na nanalo pa bilang reelectionist si Diaz sa katatapos lang na May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Tarlac Provincial Police Office habang inihahanda ang mga kaso laban dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.