4 katao, isinakay sa helicopter para ilikas sa lahar mula Mt. Kilauea

Kinailangang ilikas ang apat katao sa Big Island, Hawaii dahil sa pagragasa ng lahar mula sa Bulkang Kilauea sa kalsada.

Sinagip ng National Guard ang apat na residente na isinakay sa helicopter.

Tinatayang 40 kabahayan ang isolated sa Kilauea dahil sa pagragasa ng lahar, partikular sa silangan ng Leilani Estates at Lanipuna Gardens.

Ayon sa Hawaii County Civil Defense, mahigpit nilang binabatayan ang lugar para pigilan ang pagpasok ng mga tao.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung ilang residente pa ang nanganganib pa sa lugar.

Nagpapatuloy pa rin ang pagsabog ng Kilauea na nagdulot ng mga pinsala sa lugar.

 

Read more...