Consumer group, nais ng comprehensive audit sa deposit charge ng Meralco
Hiniling ng isang consumer group sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng comprehensive audit sa deposit charge ng Manla Electric Co. o Meralco.
Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana, naghahanda na ang kanilang grupo ng request letter sa ERC para sa naturang bill deposit.
Aniya, hindi alam ng mga konsyumer kung magkano ang nakokolekta sa bill deposit at kung magkano ang interes na kinita sa bangko.
Paliwanag naman ni Joe Zaldarriga, tagapagsalita ng Meralco, ipinagbibigay-alam sa mga konsyumer ang kanilang bill deposit.
Mayroon na rin aniyang serbisyo ang Meralco kung saan maaaring makita ng mga konsyumer ang status ng kanilang deposit sa anumang oras.
Ngunit giit ni Zaldarriaga, hindi maintindihan ang pinanggalingan ng bill deposit na umano’y nakalagay sa 2004 decision ng ERC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.