Sereno, iaapela ang desisyon ng SC sa quo warranto sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Posibleng sa susunod na linggo iapela ng napatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto.

Kinumpirma ito ni dating Solicitor General Florin Hilbay, isa sa mga abogado ni Sereno.

Ayon kay Hilbay, pinag-aaralan ng kanilang kampo ang mga batayan para magkaroon ng matibay na kaso para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema. Kabilang aniya rito ang kabiguan isama ang Senado at Judicial and Bar Council (JBC) bilang mga partido.

Dagdag ni Hilbay, igigiit din ng kampo ni Sereno ang resolusyon ng Senado na ang Mataas na Kapulungan lang ang may kapangyarihang na litisin at desisyunan ang pagpapatalsik sa impeachable officials.

Aminado naman si Hilbay na posibleng matagalan ang muling pagdinig sa kanilang motion for reconsideration.

Binigyan ng korte ng 15 araw ang kampo ni Sereno na iapela ang desisyon.

Sa botong 8-6, pinaburan ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno dahil sa umano’y kulang na Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.

Read more...