8 patay sa tatlong magkakasunog na pagsabog sa isang sports stadium sa Afghanistan

By Angellic Jordan May 19, 2018 - 01:23 PM

Credit: Google

Patay ang walo katao habang dose-dosena naman ang sugatan matapos ang ilang pagsabog sa isang sports stadium sa Silangang bahagi ng Jalalabad, Afghanistan.

Ayon kay Sohrab Qaderi, miyembro ng provincial council sa lugar, naganap ang mga pagsabog sa football stadium kung saan idinaraos ang cricket match sa pagsisimula ng Ramadam.

Aniya, dalawang rocket ang sumabog na naging sanhi ng pagkamatay ng anim katao at pagkasugat ng 50 iba pa.

Sa tala naman ni Attaullah Khogyani, tagapagsalita ng provincial governor ng Nangarhar, walo ang patay habang 43 katao ang sugatan sa tatlong magkakasunod na pagsabog sa lugar.

Sinabi rin ni Khogyani na nagsasagaw na ng imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, wala pang umaako ng responsibilidad sa pagsabog.

TAGS: Jalalabad Afghanistan, ramadan, sports stadium, Jalalabad Afghanistan, ramadan, sports stadium

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.