Mga pulis na nakatanggap ng mid-year bonus, pinayuhan ni PNP chief Albayalde na i-surrender sa kanilang misis

By Mark Makalalad May 19, 2018 - 01:00 PM

“Ibigay kay kumander ang mid-year bonus.”

Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa mga pulis na nakatanggap ng kanilang mid-year bonus.

Ayon kay Albayalde, P6 bilyon ang ni-release ng PNP direkta sa mga ATM accounts ng mahigit 189,263 aktibong pulis na entitled na makatanggap ng mid-year bonus.

Paliwanag ni Albayalde, ang mga hindi lang nakatanggap ng mid-year bonus ay ang mga pulis na kinasuhan at nakatanggap ng parusa na mas mataas sa reprimand ngayong taon.

Ayon Kay Albayalde, 1,988 ang bilang ng mga pulis na hindi nakatanggap ng kanilang bonus.

Kasama aniya dito ang mahigit 800 pulis na pinatawan niya ng suspensyon sa iba’t ibang administrative offenses noong siya’y nasa NCRPO pa.

Kaya hindi na umano maitatago ng mga pulis ang pera sa kanilang mga asawa dahil deretso na ito sa kanilang ATM, mas maiging gastusin nila ito sa kanilang pamilya.

TAGS: Mid-Year Bonus, PNP, Mid-Year Bonus, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.