Kinilala ni Supt. Serafin Petalio, hepe ng Antipolo Police, ang biktima na si Rodolfo Lico.
Sa inisiyal na imbestigasyon, lumalabas na nagpanggap na delivery boy ng LBC Courier service ang lalaking suspek.
Paliwanag ni Petalio, bigla na lang umanong pinapatukan ng suspek ang biktima nito at idinamay pa ang isa niyang kasamahan na si Tony Salandra.
Agad namang tumakas ang suspek kasama ang look out nito sa labas ng bahay.
Patuloy na inaalam kung may kinalaman sa eleksyon ang motibo sa krimen.
LOOK: Natalong kandidato sa pagka-barangay chairman, patay matapos pagbabarilin sa Antipolo City | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/9tcQcBEcOp
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 19, 2018