Natalong kandidato sa pagka-brgy. chairman, patay sa pamamaril sa Antipolo

By Mark Makalalad May 19, 2018 - 12:50 PM

Patay ang isang natalong kandidato sa pagka-barangay chairman matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Sto. Nino St, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Serafin Petalio, hepe ng Antipolo Police, ang biktima na si Rodolfo Lico.

Sa inisiyal na imbestigasyon, lumalabas na nagpanggap na delivery boy ng LBC Courier service ang lalaking suspek.

Paliwanag ni Petalio, bigla na lang umanong pinapatukan ng suspek ang biktima nito at idinamay pa ang isa niyang kasamahan na si Tony Salandra.

Agad namang  tumakas ang suspek kasama ang look out nito sa labas ng bahay.

Patuloy na inaalam kung may kinalaman sa eleksyon ang motibo sa krimen.

TAGS: 2018 Brgy. at SK elections, Antipolo, Rodolfo Lico, 2018 Brgy. at SK elections, Antipolo, Rodolfo Lico

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.