Lifting ng Martial Law sa Mindanao iginiit ng ilang grupo
Ilang araw bago ang unang anibersaryo ng Marawi Seige, nanawagan ang mga katutubo at militanteng grupo na tanggalin na ang Martial Law sa Mindanao.
Sa isang forum sa Balai Kalinaw sa University of the Philippines, nasa mahigit 100 myembro ng grupong Bayan, Katribu, Kalumaran at Sandugo, ang natipontipon para sariwain ang mga naganap sa nakalipas na isang taon sa pagsasailalim sa kanilang lugar sa Martial Law.
Ayon kay Abdul Hamidullah, Sultan ng Marawi, hindi sila napanatag mula ng magsimula ang pagpapatupad ng Batas Militar.
Marami raw kasing naging mga pagbabawal at sa tingin nila ay nasasakal na sila dito.
Paliwanag nya, marami nang pang aabuso ang naganap at marami ring karapatang pantao ang nayurakan.
Kahit na raw ngayong panahon ng Ramadan ay hindi umano sila mapanatag dahil kaliwa’t kanan ang probelama.
Iginiit rin ng grupo na kaya namang masolusyunan ang krisis sa Marawi kahit na walang Martial Law.
Samantala, sinabi naman ni Bayan Sec. Gen. Renato Reyes na ibinaba ang standarad sa pagdedeklara ng Martial Law.
Dapat kasi umano itong ideklara sa actual rebellion at hindi sa imminent threat lamang.
Unang idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial law sa Mindanao noong May 23 at pinalawig ito hanggang sa katapusan ng 2018 matapos pagtibayin ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.