10 patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas sa U.S
Umakyat na sa sampu ang patay sa naganap na pamamaril sa Santa Fe High School sa Timog na bahagi ng Texas.
Sa ulat ng mga otoridad doon, kabilang sa mga namatay ay siyam na mag-aaral ang isang guro samantalang dalawang pulis rin ang sugatan makaraan silang barilin ng suspek na si Dimitrios Pagourtzis na 17-anyos lamang.
Pasado alas-otso ng umaga oras sa Texas nang pasukin ng suspek ang nasabing paaralan.
Gamit ang isang shotgun at isang .9mm pistol ay kaagad na namaril sa loob ng Sante Fe High School si Pagourtzis.
Kaagad ring naaresto ang suspek nang dumating ang mga dagdag na pwersa ng pulisya.
Sa inisyal na imbestigasyon ay lumilitaw na pinag-planuhan ng husto ng suspek ang kanyang krimen dahil bukod sa mga baril ay nakakita rin ang mga pulis ang ilang improvised bombs na nakakalat sa paligid ng Santa Fe High School.
Inilagay rin niya sa kanyang Facebook account ang ilang hate messages habang nakusot ng t-shirt na may tatak na “Born to Kill” at logoi ng Nazi.
Bukod sa mga namatay ay labingtatlong iba pa ang kasalukuyang ginagamot sa mga ospital.
Ito na ang ika-22 kaso ng pamamaril sa mga paaralan na naitala sa U.S sa loob lamang ng taong kasalukuyan.
Ang nasabing suspek ay dating miyembro ng Sante Fe Football Team at nagsabi na gusto niyang pumasok sa Marine Corps.
Samantala, nagparating na ng pakikiramay sa mga biktima ng active shooting si U.S President Donald Trump.
Sinabi ni Trump na dapat matigil na ang mga ganitong uri ng gawain na naglalagay sa panganib ng buhay ng mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.