Calida no comment sa kinakaharap na kaso sa Ombudsman

By Den Macaranas May 19, 2018 - 09:02 AM

Inquirer file photo

Tumangging magbigay ng pahayag si Solicitor General Jose Calida sa kasong graft at misconduct na isinampa laban sa kanya ng isang tagasuporta ng pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman ay hinamon rin ni Jocelyn Marie Acosta si Calida na isapubliko ang detalye tungkol sa kanyang security agency na nakuha ng kontrata sa apat na ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Acosta na si Calida ang majority owner ng Vigilant Investigative and Security Agency at gusto niyang malaman kung kabilang ito sa mga idineklara ng opisyal sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Sa kanyang reklamo ay binigyang-diin ni Acosta na malinaw na may conflict of interest sa pagpasok ni Calida ng negosyo sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Magugunitang ang Office of the Solicitor General ang nasa likod ng quo warranto petition na nagresulta sa pagsipa kay Sereno palabas sa Supreme Court.

TAGS: calida, graft, ombudsman, SALN, calida, graft, ombudsman, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.