Kalahating tonelada ng “Botcha” nasabat sa Maynila

Photo: Mark Makalalad

Nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board ang halos kalahating tonelada ng hinihinalang botcha at mishandled frozen meat sa gilid ng kalsada sa Recto Avenue corner Juan Luna St. Tondo Maynila.

Ayon kay Dr. Nicanor Santos, head ng special enforcement squad ng VIB, nagsagawa sila ng routine inspection nang mapansin ang mga karne na hindi maganda ang kalidad.

Hindi nila inabutan ang mga nagbebenta ng karne sa lugar pero naiwan naman ang mga bayong ng mga hinihinalang botchang karne ng baboy at nakatingwangwang na mga mishandled frozen meat sa mga tray.

Paalala ng VIB, masama sa kalusugan na makakain ng mga botcha at mishandled meat na maaaring makapagdulot ng diarrhea at food poisoning.

Ang sinumang mahuhuli na nagbebenta nito ay posibleng makulong ng anim na buwan hanggang 12 taon at may multa na mahigit sa P100,000 at mahaharap sa kaso na may na paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines at Food.

Read more...