Buntot ng HPA at Easterlies, nakakaapekto sa bansa

By Rhommel Balasbas May 19, 2018 - 05:39 AM

Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon kay weather forecaster Meno Mendoza, patuloy na umiiral ang Ridge of High Pressure Area sa dulong Hilagang Luzon habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahan ang mainit at maalinsangang panahon sa buong bansa ngayong araw maliban sa mga biglaang buhos ng ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Ayon sa weather bureau, mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa Tuguegarao City na posibleng umabot sa 38 degrees Celsius.

Pinakamainit ang temperatura sa naturang lungsod kahapon sa 38 degrees Celsius.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.