Cesar Montano sinisi si dating Tourism Sec. Teo sa kontrobersiya sa ‘Buhay Carinderia’

Naghugas kamay si Tourism Promotions Board (TPB) chief operating officer Cesar Montano at ipinasa ang sisi kay dating Tourism Secretary Wanda Teo sa maugong na kontrobersiya tungkol sa ‘Buhay Carinderia Program’.

Sa isang panayam, sinabi ni Montano na si Teo ang nagpumilit na magbayad ng P80 milyon sa Marylindbert International para sa nasabing programa.

Ayon kay Montano, aprubado ng TPB ang transaksyon at ipinaalam nila kay Teo na sobrang bilis ng pagbabayad yamang hindi naman kailangang bayaran ito agad.

Gayunman anya ay pinakilala ni Teo sa kanya ang may-ari ng programang si Erlidna Legaspi at sinabing isa itong kaibigan.

Dahil dito, sinabi ni Montano na hindi naman niya anya maaaring kwestyunin si Teo tungkol sa pagbabayad para sa nasabing programa dahil ito ang chairman at ang boss.

Nauna nang pinasuspinde ng bagong kalihim ng DOT ang ‘Buhay Carinderia’ program upang mabusisi muna ng Commission on Audit (COA).

Read more...