DOH inalerto ukol sa pagkalat ng mga pekeng Dengvaxia cards

By Marilyn Montaño May 19, 2018 - 02:10 AM

Inalerto ng isang kongresista ang Department of Health kaugnay ng umano’y kumakalat na mga pekeng Dengvaxia cards.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, ang Dengvaxia card ay tulong ng gobyerno sa mga naturukan ng bakuna pero napepeke na anya ang ipinamimigay ng DOH simula noong Enero.

Ang mga cards ay ginagamit para sa monitoring ng kundisyon ng mga lehitimong naturukan ng Dengvaxia.

Pwede ring gamitin ang card sa pagpapa-ospital at sa gamutan ng nabakunahan nito.

Dahil dito ay hiniling ni Nograles kay Health Sec. Francisco Duque III na tiyakin ang pagberipika sa Dengvaxia cards para matukoy kung totoo o peke ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.