Ayon sa Inter-Agency Task Force, ipinanukala ang pondo para aprubahan ng Department of Budget and Management.
Kailangan umano ang pondo para magawa ang target na paglilinis ng isla, pagtanggal sa mga iligal na istraktura sa lugar at pagtulong sa mga apektadong residente at manggagawa.
Sinabi naman ni DBM Sec. Benjamin Diokno na pinirmahan na niya ang paglalabas ng P490 million para sa pagtatayo at pagpapalawak ng mga kalsada sa isla.
Samantala, iniulat sa task force ng Department of Environment and Natural Resouces na ang lahat ng iligal na istraktura mula Cagban Port hanggang sa Rotunda sa main road ng Boracay ang giniba na ng kanilang mga may-ari o ng DPWH.