Mga supporters ni Duterte sa Pilipinas at sa ibang bansa, nagpakalbo rin
Matapos magpakalbo kahapon si Sara Duterte, marami na rin ang nagpakalbo bilang bahagi ng kampanya para hikayatin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbong presidente.
Sa official facebook account ni Sara Duterte marami ang nag-share ng kani-kanilang larawan habang nagpapakalbo.
Maliban sa mga taga Davao, may mga nagpakalbo rin mula sa ibang bahagi ng Pilipinas at ang iba ay mga OFWs pa.
Sa post ng isang FB user na si Senoel Evad, ipinakita nito ang kaniyang larawan matapos magpakalbo. May caption ang nasabing larawan na ‘kung hindi tatakbo sa pagka-presidente si Duterte sa 2016 elections ay hindi na siya magpaparehistro gayundin ang mga kasamahan niya sa trabaho’.
Isang John Vargas Adiova na nagpakilalang miyembro ng 140 OFW Global Movement Chapters, sinabi nitong nakikiisa sila sa Kalbo para sa Pagbabago campaign.
Inilunsad din ni Adiova ang go bald challenge sa pamamagitan ng pagpapakalbo at paghamon sa limang FB friends na magpakalbo rin.
Narito ang ilan lamang sa mga larawan na nai-share sa FB page ni Sara Duterte:
Magugunitang kahapon, pinangunahan ni Sara ang pagpapakalbo para hikayatin ang ama na tumakbo nang presidente sa 2016 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.