Ayon kay Guevarra, kanilang nirerespeto ang panukala ng House of Representatives pero aniya ay mananatili ang kanilang posisyon na dapat manatili ang mga ito sa ilalim ng kagawaran .
Ang PCGG ay siyang humahabol sa mga nakaw na yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pamilya nito, mga kamag-anak at mga cronies nito.
Habang ang OGCC ang siya namang principal law office ang mga government-owned and controlled corporations, mga subsidiaries nito, mga government financial institutions, mga government corporate offspring, mga government instrumentalities na may corporate powers at ang government-acquired asset corporations.
Nitong Martes ay pumasa sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang pagpapalakas sa Office of the Solicitor General kabilang na ang pag-take over sa PCGG.
Sa botong 162-10 ay naaprubahan ang House Bill 7376 kung saan principal authored si House Speaker Pantaleon Alvarez.