Dating gobernador, sinampahan ng kasong graft ng Ombudsman

By Rod Lagsuad May 18, 2018 - 07:20 PM

Nahaharap ngayon sa dalawang kaso ng graft si dating Southern Leyte Governor Damian Mercado.

Isinampa ng Ombudsman ang naturang mga kaso dahil sa pagbili ng tatlong mga second-hand na sasakyan noong siya pa ay mayor ng bayan ng Maasin.

Nito nakaraang Setyembre ng nakaraang taon ay dinimiss ng Ombudsman mula sa pagiging gobernador si Mercado dahil sa grave misconduct na bunsod ng mga transaksyon ng kanyang pinasok noong siya ay mayor pa lamang.

Bumili si Mercado mula sa Kojac Auto Shop and Auto Supply ng Isuzu Wizard Wagon at Toyota Grandia na nagkakahalag ng P1.5 million noong January 10, 2007.

Kasunod nito ay bumili pa si Mercado noong June 20, 2007 ng Mitsubishi Pajero na nagkakahalagang P800,000 na binili din sa Kojac Auto Shop and Auto Supply.

Ayon sa Ombudsman ang naturang mga transaksiyon ay paglabag sa mga probisyon ng Republic Act No. 9184 at Department of Budget and Management Budget Circular No. 446-A.

Kaugnay nito, inerekomenda ng Ombudsman ang piyansang nagkakahalaga ng P60,000.

Kasama din ni Mercado sa mga kinasuhan ay sina Bids and Awards Committee officers Crispin Arong Jr., Feorillo Demetrio, Jr., Anecito Narit, Benjase Lumen, Consuelo Ladrera at may-ari ng Kojac owner na si Baltazar Avila, Sr.

TAGS: damian mercado, ombudsman, damian mercado, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.