25 lang sa 1,080 na establisyimento sa Boracay ang hindi lumalabag
25 lang mula sa 1,080 na mga establisyimento sa Boracay ang sumusunod sa mga permits at requirements ng pamahalaan.
Ayon kay Interior Assistant Secretary Epimaco Densing III, nakakagulat na ang mga nakakatugon na establisyimento ay 2.3 percent lang.
Ani Densing na sa kanilang mga nainspeksyon, 427 ay nag-ooperate ng walang business permits, 207 ang walang Environmental Compliance Certificate, 199 ang walang building permits, 427 ang walang fire safety certificates, 412 ang bigong sumunod sa requirements ng PagIBIG, Social Security System at PhilHealth requirements at 112 ang walang sewerage treatment plants.
Ang nasabing mga establisyimento ay pawang binigyan ng notice to comply.
At dahil mayorya ng mga kumpanya ay sarado naman ngayon dahil sa umiiral na closure sa isla, sinabi ni Densing na hindi sila papayagang muling makapagbukas hangga’t hindi nakakatugon.
Ang nasabing datos ay inilahad ni Densing sa pulong ng task force na dinaluhan nina Environment Secretary Roy Cimatu, Labor Secretary Silvestre Bello III, Public Works Secretary Mark Villar, Budget Secretary Benjamin Diokno at iba pang opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.