Kaarawan ni St. John Paul II ipinagdiwang sa Manila Cathedral

Inquirer.net Photo | Julius Leonen

Ginunita sa Manila Cathedral ang kaarawan ni St. Pope John Paul II sa pamamagitan ng pagdaraos ng public worship sa kaniyang blood relic.

Binuksan sa publiko ang vial na naglalaman ng dugo ng Santo Papa mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabo ng Biyernes.

Ito ang ikalawang pagkakataon na binuksan sa publiko ang blood relic ni St. John Paul II. Ang una ay noong April 7 lamang nang magdaos ng welcome mass para dito na pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Bukas, araw ng Sabado (May 19) maydaraos ng misa sa Manila Cathedral sa pangunguna ni Fr. Joel Jason alas 9:00 ng umaga.

Matapos ito muling bubuksan sa publiko ang blood relic hanggang alas 8:00 ng gabi.

Hanggang sa Linggo ay maaring makita ng publiko ang blood relic.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...